BASAHIN MO DITO Psst, na-Marites mo ba na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o mas kilala bilang 4Ps ay isang inisyatiba ng pamahalaan na ipinagpatuloy ng administrasyon ni PBBM upang tulungan ang mga pinakamahirap na mamamayan ng bansa na maka-ahon sa kanilang estado sa buhay? Oo, layunin ng programang ito na magbigay ng “cash grants” o tulong pinansyal sa mga pinakamahihirap na Pilipino at tumulong sa pagpapabuti ng nutrisyon, kalusugan, at edukasyon ng kanilang mga anak hanggang labing walong (18) taong gulang. Ito ay isang programang hango sa mga CCT (Conditional Cash Transfer) schemes sa mga bansa sa Africa at Latin America. Ang DSWD (Department of Social Welfare and Development) ang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa programang ito. Paano Nakatutulong ang 4Ps sa Libu-Libong Mahihirap na Pilipino Isipin mo na nabubuhay ka sa halagang mas mababa sa P200 kada araw. Iyan ang katotohanan para sa libu-libong Pilipino na nahihirapan na matugunan ang kanilang mga pan...