BENEFICIARIES UPDATE FROM

 BASAHIN MO DITO








Psst, na-Marites mo ba na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o mas kilala bilang 4Ps ay isang inisyatiba ng pamahalaan na ipinagpatuloy ng administrasyon ni PBBM upang tulungan ang mga pinakamahirap na mamamayan ng bansa na maka-ahon sa kanilang estado sa buhay?

Oo, layunin ng programang ito na magbigay ng “cash grants” o tulong pinansyal sa mga pinakamahihirap na Pilipino at tumulong sa pagpapabuti ng nutrisyon, kalusugan, at edukasyon ng kanilang mga anak hanggang labing walong (18) taong gulang. 

Ito ay isang programang hango sa mga CCT (Conditional Cash Transfer) schemes sa mga bansa sa Africa at Latin America. Ang DSWD (Department of Social Welfare and Development) ang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa programang ito.


Paano Nakatutulong ang 4Ps sa Libu-Libong Mahihirap na Pilipino

Isipin mo na nabubuhay ka sa halagang mas mababa sa P200 kada araw. Iyan ang katotohanan para sa libu-libong Pilipino na nahihirapan na matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Upang tulungan silang makamit ang mas magandang kalidad ng buhay, inilunsad ng gobyerno ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps noong 2008. 

Nitong 2019 ay isinabatas naman ang Republic Act 11310 na mas kilala bilang “An Act Institutionalizing the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)” o “4Ps Act.” 

Sa pagsasabatas nito, ang 4Ps na programa sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay magiging permanenteng pambansang estratehiya ng gobyerno upang puksain ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga mahihirap na sambahayang Pilipino upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon.

Ang 4Ps ay isang conditional cash transfer program na nagbibigay ng buwanang ayudang pinansyal sa mahihirap na pamilya kapalit ng pagsunod sa ilang mga kondisyon na may kinalaman sa nutrisyon, kalusugan, at edukasyon.


Israel Esguerra na naging lisensiyadong piloto sa tulong ng 4Ps.

"Napabilang ako sa expanded scholarship program ng 4Ps at DSWD, kaya nakatulong hanggang college. Malaking tulong na mapabilang dito, hindi lang sa bata kundi sa buong pamilya," ani Esguerra.

Ang mga pamilya ay nagtatapos sa programa kapag ang naka-enroll na bata ay umabot sa 18 taong gulang, o kapag natupad nila ang ilang pang-ekonomiya at panlipunang mga indikasyon sa self-sufficiency.

Kasama sa mga indicator na ito ang mas mataas na sahod, access sa malinis na tubig at kuryente, kakayahang magbayad ng mga benepisyo ng gobyerno tulad ng SSS, at tamang nutrisyon para sa mga bata.

Ang ilang mga pamilya ay maaaring magpasyang umalis nang mas maaga sa programa kapag naramdaman nila na sila ay sapat na sa sarili.  (PIA-NCR)

Comments

Popular posts from this blog

SCHOLARSHIP 2024

4ps PAY OUT UPDATE 2024